Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (10032)'

Kung nakikita mo ang error code na 10032 sa Apple TV mo, na madalas na may ganitong message:

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit mamaya o pumili ng ibang item. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa karagdagang impormasyon.

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-restart ang device mo

Illustration of a TV with a power button symbol, a power strip, and a 15-second timer, suggesting a restart device process

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article