Netflix Error NQM.407
Kung nakikita mo ang error code na NQM.407 sa Android phone o tablet mo, na madalas na may kasamang isa sa mga sumusunod na message:
Isyu sa Pagbabayad ng Account
On hold ang account mo dahil sa problema sa nakaraan mong pagbabayad. Pumunta sa netflix.com/payment para mag-update. (NQM.407)
Error sa Pag-download
On hold ang account mo dahil sa problema sa nakaraan mong pagbabayad. Pumunta sa netflix.com/payment para i-update ang paraan ng pagbabayad mo at patuloy kang makapag-Netflix. (NQM.407)
Ibig sabihin nito, walang natanggap na bayad ang Netflix dahil sa isa sa sumusunod:
Hindi na valid o nag-expire na ang naka-record na paraan ng pagbabayad.
Hindi inaprubahan ng pinansyal na institusyon mo ang buwanang singil.
Sa US Lang: Hindi tumutugma ang zip code ng credit card sa Netflix account mo sa nakalista sa bangko mo.
Para ayusin ang problema, i-update ang paraan ng pagbabayad mo. Kapag na-update na ang impormasyon mo sa pagbabayad, patuloy ka nang makakapag-Netflix. Kung nagkakaproblema ka sa pag-update ng impormasyon mo sa pagbabayad, puwede kang makipag-ugnayan sa card issuer mo para masiguradong up to date ang impormasyon ng card, o sumubok ng ibang option sa pagbabayad.
Automatic ding susubukan ulit ng Netflix ang pumalyang pagbabayad paminsan-minsan sa loob ng billing cycle mo para matulungan kang ma-enjoy ulit ang serbisyo.