Paano nabibigyan ng mga ideya ang Netflix

Kung may ideya ka para sa show, pelikula, game, o iba pang project, baka gusto mong malaman kung paano mo ito maipaparating sa Netflix. Una sa lahat, salamat sa interes mo sa content ng Netflix! Sa kasamaang palad, hindi namin matatanggap at hindi kami tumatanggap o nagsusuri ng kahit anong materyal (kahit na mga manuscript, treatment, script, drawing, ideya, picture ng rainbow-colored unicorns, atbp.) na hindi namin partikular na nire-request.

Kung mayroon kang ideya, game, script, screenplay, o production na ginagawa na at gusto mong imungkahi sa Netflix, dapat kang makipagtulungan sa isang lisensyadong agent, producer, abugado, manager, o executive sa industriya, alinman ang angkop, na may kaugnayan na sa Netflix. Hindi kami makakapag-share ng references para sa resources na ito.

Kung wala ka ng alinman sa resources na ito, hindi matatanggap ng Netflix ang submissions mo na hindi hiningi.

Ginagamit ng Netflix ang lahat ng sumusunod na paraan para makahanap ng bagong content na bibilhin o bubuuin:

  • Nagbabayad ang Netflix ng isang team ng creative executives at buyers, na tumatanggap ng mga ideya para sa content.

  • May malapit na ugnayan ang Netflix sa creative community at talent agencies, na nagmumungkahi ng mga ideya para sa mga project.

  • Puwedeng bumili ang Netflix ng mga tapos nang pelikula sa mga film festival o iba pang kilalang venue.

  • Ang Netflix ay puwedeng makabuo ng sarili nitong ideya at mag-hire ng mga creative para i-develop pa ang mga ideyang iyon.

Mga Kaugnay na Article