Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa download na ito. (DLST.N1009)'
Kung may nakikita kang error na nagsasabing
Nagkaproblema sa download na ito. (DLST.N1009)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Kung i-clear mo ang data ng Netflix app mo, aalisin ang anumang TV show o pelikula na na-download mo sa device mo. Isa-sign out ka rin sa account mo. Tiyaking malapit sa iyo ang password mo.
Hanapin ang Netflix app sa Android device mo.
I-tap nang matagal ang app icon, tapos, i-tap angApp info.
I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.
Subukan ulit ang Netflix.
Tandaan: Baka iba ang esksaktong steps para sa device mo. Tingnan ang manual ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa nito para sa pinaka-up-to-date na instructions.