Sabi ng Netflix, 'Hindi maka-connect sa Netflix.'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Hindi maka-connect sa Netflix. Paki-check ang network connection ng device mo.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Kahit na hindi kailangang naka-connect ka sa internet para mapanood mo ang mga na-download mong title, kailangang naka-sign in ka sa Netflix account mo para ma-access mo ang mga iyon. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para maayos ang problema at ma-access ang mga na-download mo.

  1. Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com.

  2. Hintaying matapos ang test.

Kung may nakikitang error message sa browser mo o hindi naglo-load ang website, ang ibig sabihin nito ay hindi naka-connect sa internet ang device mo. Baka kailangan mong i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng device mo sa internet.

Kahit na maaayos ngayon ng pag-connect sa internet ang problema mo, inirerekomenda naming manatili kang naka-sign in sa Netflix mobile app mo para masiguradong magkakaroon ka ng access sa mga na-download mo kapag offline ka.

  1. Pumunta sa Settings.

  2. Piliin ang General.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. I-slide ang toggle ng Cellular Data sa On.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article