Netflix Error D7353-5101-3

Pasensya na, pero nagkakaproblema kami sa request mo.
Error Code D7353-5101-3

Nangyayari ang error na ito kapag kailangang i-refresh ang data na naka-store sa computer mo, o kapag kailangan ng system update ng computer mo para makapag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

Mga Kaugnay na Article