Ang sabi ng Netflix, 'May problema sa pag-play ng video. (1.0)'
Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing
May problema sa pag-play ng video. Pakisubukan ulit. (1.0)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.
Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.
Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.
I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.
I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.
Subukan ulit ang Netflix.
Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.