Netflix Error U7361-1253-C00D6D79

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1253-C00D6D79 sa Windows 10 computer o tablet mo, na madalas na may ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa title na sinusubukan mong i-play. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Dina-download mo ba ngayon ang title?

Kung active na dina-download sa computer o tablet mo ang title na sinusubukan mong i-play, hintaying matapos ang pag-download bago mo subukang i-play ulit ang title.

Kung hindi active na dina-download ang title na sinusubukan mong i-play, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Alisin sa mga download mo ang title

Baka sinusubukan mong mag-stream ng title na hindi na-download nang maayos. Para maayos ang problemang ito, alisin sa mga download mo ang title, tapos, subukan ulit na mag-stream.

  1. I-click o i-tap ang Menu icon .

  2. Piliin ang My Downloads.

  3. I-click o i-tap ang edit iconpen icon sa kanang sulok sa itaas ng screen mo.

  4. I-click o i-tap ang delete icon trash can icon para alisin ang title sa device mo.

  5. Subukan ulit na i-stream ang title.

I-uninstall at i-reinstall ang Netflix app

Kapag na-uninstall ang Netflix app, made-delete ang kahit anong title na na-download mo na sa computer o tablet mo.

I-uninstall ang Netflix app

Paalala:
Kapag na-uninstall ang Netflix app, made-delete ang kahit anong title na na-download mo na sa device.
  1. Mula sa Start menu, i-type ang Netflix.

  2. Mag-right-click sa o i-tap at i-hold ang Netflix app.

  3. May lilitaw na popup. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ulit ang Uninstall.

I-reinstall ang Netflix app

  1. Mula sa Start menu, piliin ang Store.

  2. Piliin ang Search mula sa itaas na kanang sulok ng screen.

  3. I-type ang Netflix sa search box at pindutin ang Enter.

  4. Piliin ang Netflix mula sa mga resulta.

  5. Piliin ang Install.

    • Kapag hiniling na mag-sign in ka, mag-sign in gamit ang Microsoft information mo.

  6. Kapag na-install na, i-launch ang app at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article