Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa device. (500.-1006)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Nagkaproblema sa device. Paki-restart ang device mo at subukan ulit. (500.-1006)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit
  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article