Paano makatanggap ng paalala sa mga paparating na TV show o pelikula

Sa Netflix, posible mong makita ang mga nalalapit na petsa ng release para sa isang TV show o pelikula gamit ang option na Ipaalala sa Akin. Kung pipiliin mo ang option na ito, may lalabas na notification sa Netflix kapag available na ang title. Lalabas din ang title sa List Ko.

Bakit hindi available ang title sa inaasahang petsa?

Posibleng magbago ang mga petsa ng release dahil sa mga pagkaantala sa video production o pag-finalize ng mga licensing contract. Kung mangyari ito, lalabas ulit ang title kapag may natukoy nang bagong petsa ng release ang Netflix. Kung pinili mo dati na makatanggap ng paalala sa petsa ng release, lalabas ang title sa List Ko kapag na-release na ito.

Mga Kaugnay na Article