Netflix Error M7353-5101

Kung nakikita mo ang error code na M7353-5101 sa computer mo, ibig sabihin, may extension sa browser mo na pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Iba pa.

  2. I-click ang Help > About Google Chrome.

  3. Maghintay habang automatic na naghahanap ng mga bagong update ang Chrome.

  4. Kapag may available na update, i-click ang Relaunch.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

Mga Kaugnay na Article