Netflix Error 5.10

Nagkaproblema sa pag-play ng video. Pakisubukan ulit. (5.10)

Ang ibig sabihin ng error na ito ay may problema sa video player sa Android device mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang I-force stop > OK.

  4. Buksan ulit ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Tandaan:Posibleng iba ang steps para i-quit at buksan ulit ang app sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

Mga Kaugnay na Article