Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-1007)'
Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing
Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. (-1007).
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Gamit ang ibang computer o mobile device, kumonnect sa Wi-Fi o network kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser, pagkatapos ay pumunta sa netflix.com/clearcookies at mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung nakikita mo ang error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa serbisyo ng Netflix sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.
Kung wala kang makikitang error sa browser mo habang ginagawa ang step na ito, posibleng may ibang problema. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.