Ang sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa pag-play ng video. (1.20)'

Kung may makikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

May problema sa pag-play ng video. Pakisubukan ulit. (1.20)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para lutasin ang problema.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Mga Kaugnay na Article