Netflix Error ATV-ui92

Kung nakikita mo ang error code na ATV-ui92 sa Apple TV mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Hindi makapag-sign in
Ang inilagay mong pangalan o password ng account ay walang katugmang account sa records namin.

Karaniwang nangyayari ang error na ito dahil sa problema sa proseso ng pag-sign in mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Paalala:
Sa Apple TV 2 at Apple TV 3 lang nangyayari ang error na ito. Kung nakikita mo ang error na ito sa Apple TV 4 o Apple TV 4K, makipag-ugnayan sa customer service.

Kung ginagamit mo ang Remote app sa Apple mobile device:

  • Lumipat sa original na Apple TV remote, pagkatapos ay subukang mag-sign in ulit.

Kung hindi mo ginagamit ang Remote app sa Apple mobile device:

  • I-check kung tama ang inilalagay mong password.

  • Kung hindi ka pa rin makapag-sign in, magpadala ng password reset email sa sarili mo (o mag-mobile reset, kung ibinigay mo ang phone number mo).

    • Bibigyan ka ng email na ito ng link para automatic kang makapag-sign in sa Netflix. Pagkatapos, hihilingin sa iyong gumawa ng bagong password.

    • Siguraduhing gagamitin mo ang link sa loob ng 24 na oras dahil mag-e-expire ito. Kapag nag-expire na ang link, huwag mag-alala -- puwede kang magpadala ulit sa sarili mo ng isa pang password reset email.

I-reset ang lahat ng settings sa Apple TV mo

Buburahin ng steps na ito ang Apple TV mo, ire-reset ang naka-save mong settings, at iki-clear ang data na naka-store sa device mo, tulad ng Netflix login mo at pangalan at password ng Wi-Fi mo. Tiyaking mayroon ka ng impormasyong ito, at sundin lang ang steps na ito kung hindi pa nalutas ang isyung ito pagkatapos gawin ang ibang steps.

Para ayusin ang problema:

  1. Sundin ang steps ng Apple para i-reset o i-restore ang Apple TV mo sa factory settings nito.

  2. Pagkatapos i-reset ang Apple TV mo at kumpletuhin ang paunang setup, subukan ulit ang Netflix.

Ano ang susunod kong gagawin?

Kung nakakaranas ka pa rin ng ganitong error pagkatapos mong mag-full factory reset, baka may hindi maaayos na problema sa device mo. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article