Sabi ng Netflix, 'Unable to Purchase.'
Kung makakita ka ng error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing:
Unable to Purchase
"Netflix" is not compatible with this device
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay hindi compatible ang device mo sa pinakabagong version ng Netflix app. Sundin ang steps sa ibaba para i-check ang version ng iOS mo para malaman kung makakapag-download ka ng Netflix sa device na ito.
I-check ang version ng iOS mo
Para makuha ang pinakabagong version ng Netflix app, dapat ay may iOS/iPadOS 18 o mas bago ang iPhone o iPad mo.
Para tingnan ang version:
Pumunta sa Settings.
Mag-scroll down at piliin ang General.
Piliin ang About.
Ili-list ang version number mo sa tabi ng Version.
Kung nasa pagitan ng iOS 9 at iOS 17 ang iOS version mo, puwede mong makuha ang Netflix app kung na-download na ito dati. Alamin kung paano mag-download ulit ng apps sa App Store.
Kung iOS 17 o mas luma ang iOS version mo, at hindi mo pa na-download ang Netflix dati, kailangan mong gumamit ng ibang device para manood ng Netflix.