Sabi ng Netflix, 'Hindi Available ang Netflix sa Ngayon.'
Dapat pumili ng bansa para makita ang content sa article na ito.
Kung nakikita mo ang isa sa mga sumusunod na error:
Hindi Available ang Netflix sa Ngayon
Hindi available ang Netflix sa ngayon. Paki-check ang internet connection mo, o pumunta sa www.netflix.com/support para sa karagdagang impormasyon
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangan ng app mo ng update o may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.
I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".
Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.
Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.