Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa download na ito. (10023-1200)'
Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing
Nagkaproblema sa download na ito. Paki-check ang network connection mo at subukan ulit. (10023-1200)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-check ang settings ng petsa at oras
I-tap ang Settings icon sa Home screen.
I-tap ang General.
I-tap ang Date & Time.
Kung mali ang petsa at oras, i-tap ang ang petsa o oras para i-adjust ito, o I-on lang ang field na Set Automatically.