Netflix Error APPS-04154

Kung nakikita mo ang error code na APPS-04154 sa X1 set-top box mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Bigyan Mo Kami Nang Ilang Minuto
Nagkakaproblema kami sa pagbubukas ng app na ito. Bigyan mo kami nang ilang minuto at saka subukan ulit.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo.Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Comcast Xfinity X1 Set-top Box

I-restart ang device mo
  1. Sa remote mo, pindutin ang Xfinity button.

  2. Pindutin ang A button.

  3. Piliin ang Restart, at pagkatapos ay piliin ulit ang Restart para i-confirm. Posibleng abutin nang ilang minuto ang pag-restart ng device.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Cox Contour X1 Set-top Box

I-restart ang device mo
  1. Pindutin ang Contour button sa remote mo.

  2. Pindutin ang A button sa remote mo.

  3. Piliin ang Restart.

  4. I-confirm na gusto mong i-restart ang device.

  5. Kapag tapos nang mag-restart ang device, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article