Hindi gumagana ang mga pagpipilian sa Netflix interactive

Kung hindi mo mapili ang kahit anong pagpipilian habang nanonood ka ng interactive na TV show o pelikula, ang ibig sabihin nito ay baka kailangang baguhin ang settings ng animation sa device mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Android phone o tablet

I-on ang mga animation

  1. Sa home screen ng device mo, buksan ang Settings.

  2. I-tap ang Accessibility.

    • Kung hindi mo makita ang Accessibility, posibleng kailangan mo munang i-tap ang Device.

  3. Siguraduhing naka-off ang Remove animations.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Baguhin ang mga setting ng animator

Sa steps na ito, io-on at babaguhin mo ang mga option ng developer sa Android mo. Puwede itong magdulot ng mga isyu sa device mo kung hindi ito magagawa nang tama. Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa step na ito. Kung hindi ka kumportableng ikaw mismo ang magbabago ng mga setting na ito, humingi ng tulong sa manufacturer ng device mo.

Tingnan kung naka-on ang mga option ng developer

  1. Sa home screen ng device mo, buksan ang Settings.

  2. Piliin ang System > Advanced.

  3. Hanapin ang Developer options.

Kung nasa list ang Developer options, pumunta sa "Set Animator settings to default."

Kung wala sa list ang Developer options, pumunta sa "Turn on Developer options."

I-on ang mga option ng developer

  1. Piliin ang About phone o About device.

  2. Mag-scroll papunta sa Build number.

    • Kung hindi mo makita ang Build number, baka nasa Software info ito.

  3. I-tap nang 7 beses ang Build number.

    • Posibleng ipalagay sa iyo ang screen lock pattern, PIN, o password ng device mo.

Kapag nakatanggap ka na ng pop-up message na nagsasabing "You are now a developer!" pumunta sa susunod na step sa ibaba.

I-set sa default ang mga setting ng animator

  1. Sa home screen ng device mo, buksan ang Settings.

  2. Piliin ang System > Advanced.

  3. Piliin ang Developer options.

  4. Mag-scroll down sa seksyong Drawing, pagkatapos ay piliin ang Animator duration scale.

  5. Piliin kung Default o Animation scale 1x.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Ang susunod na gagawin

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Lahat ng iba pang device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article