Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa device. (501.-1019)'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Nagkaproblema sa device. Paki-restart ang device mo at subukan ulit (501.-1019)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Ano'ng susunod kong gagawin?

Kung may nakikita ka pa ring error pagkatapos gawin ang steps sa itaas, i-verify ang error message na naka-display sa Android phone o tablet mo:

  • Kung ang error message ay naging 'Kailangang i-restart ang application. Pakibuksan ulit ito (502.-1019)', gamitin ang article na ito para ayusin ang isyu.

  • Kung hindi nagbago ang error message at nakikita mo pa rin ang 'Nagkaproblema sa device. Paki-restart ang device mo at subukan ulit (501.-1019)', makipag-ugnayan sa customer service.

Mga Kaugnay na Article