Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (CM:12646;)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (CM:12646;)

Ang karaniwang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-download ulit ang title

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download.

  2. Sa tabi ng TV show o pelikula, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

  4. Subukang i-download ulit ang TV show o pelikula.

Mga Kaugnay na Article