Netflix Error tvq-pb-101 (1.10.5059)

Mukhang gumagamit ka ng VPN o proxy. Paki-off ang alinman sa mga serbisyong ito at subukan ulit.

Ibig sabihin ng mensaheng ito na kumo-connect ang device o network mo sa Netflix sa pamamagitan ng VPN o proxy service. Puwedeng palitan o itago ng mga VPN ang internet location mo, na posibleng magdulot ng mga problema. Para ayusin ang problema, subukang i-off ang VPN mo.

Kung nagkakaproblema ka pa rin, subukan ang steps na ito:

Paalala:Hindi ka puwedeng gumamit ng VPN habang nanonood ng live event sa Netflix.

Hindi ka puwedeng gumamit ng VPN habang nanonood ng Netflix kung nasa experience na may ads ka.

Pumunta sa Account page mo para para tingnan ang kasalukuyang plan mo.

Kung nasa experience na may ads ka:

  • Kailangan mong lumipat sa plan na walang ads para gumamit ng VPN habang nanonood ng Netflix.

  • Kung gusto mong manatili sa kasalukuyan mong plan, kailangan mong i-off ang VPN mo habang nanonood ng Netflix.

Kung wala kang experience na may ads o gusto mong alamin kung naka-on ang VPN, pumunta sa susunod na steps.

Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

Kung hindi ka sigurado kung may naka-on na VPN, sundin ang steps sa ibaba.

Paalala:May kasamang VPN ang ilang antivirus software na posibleng naka-on. Para alamin pa o makakuha ng tulong, makipag-ugnayan sa provider ng antivirus software mo.

  1. Gamit ang computer o mobile device na nasa parehong network ng device na may problema, magbukas ng web browser.

  2. Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.

  3. Kapag natapos na ang test, i-click ang Magpakita pa ng impormasyon.

  4. Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa.

  5. Kung hindi nag-match ang bansa sa lokasyon mo, nangangahulugan ito na may naka-on na VPN sa device o network mo. Subukang i-off ito, at subukan ulit ang Netflix. Para sa tulong sa pag-off ng VPN, makipag-ugnayan sa VPN provider mo.

    Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-off ng VPN dahil magkakaiba ang steps para sa bawat VPN app o serbisyo.

Kung hindi gumana ang pag-off ng VPN mo o nagma-match ang lokasyon sa fast.com sa lokasyon mo, pumunta sa susunod na steps.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Kung sinunod mo ang nakaraang steps at nagkakaproblema ka pa rin, kailangan mong makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa paglutas ng problema.

Bago makipag-ugnayan sa ISP mo

Kakailanganin ng ISP mo ang ilang impormasyon tungkol sa network mo kapag nakipag-ugnayan ka sa kanila:

  1. Gamit ang computer o mobile device na nasa parehong network ng device na may problema, magbukas ng web browser.

  2. Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.

  3. Kapag natapos na ang test, i-click ang Magpakita pa ng impormasyon.

  4. Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa, at ang IP address mo.

    Tandaan:Ang IP address mo ay ang grupo ng mga number at/o letter na may tuldok (.) o colon (:) sa pagitan ng mga ito.

Kapag nakipag-ugnayan ka sa ISP mo

  1. Sabihin sa kanila ang tungkol sa problema, at ang steps para sa pag-troubleshoot na nasubukan mo na.

  2. I-share ang bansa at IP address na nakolekta mo kanina, at ipa-confirm na nagma-match ang mga ito sa lokasyon at IP address na itinalaga sa bahay mo.

    • Kung hindi nag-match ang impormasyon, kailangang direktang makipagtulungan ng ISP sa Netflix para ayusin ang problema. Hilingin sa kanilang makipag-ugnayan sa aming customer service team.

    • Kung hindi nag-match ang impormasyon, hilingin sa ISP mo na i-confirm kung ginagamit ng connection mo ang kanilang DNS server.

      • Kung ginagamit nga ng ISP mo ang kanilang DNS server, kailangan nilang direktang makipagtulungan sa Netflix para ayusin ang problema. Hilingin sa kanilang makipag-ugnayan sa aming customer service team.

      • Kung hindi nito ginagamit ang DNS server nila, humingi ng tulong sa kanila para makalipat sa DNS server nila. Pagkatapos ay i-restart ang Netflix app mo at subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article