Netflix Error tvq-pb-104
Kung nakikita mo ang error code na tvq-pb-104, na madalas na may ganitong message:
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.
Blu-ray Player
I-reload ang Netflix app
Sa error screen, piliin ang More Details.
Piliin ang Reload Netflix.
Subukan ulit ang Netflix.
I-restart ang device mo
I-off ang device mo.
Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Smart TV
I-reload ang Netflix app
Sa error screen, piliin ang More Details.
Piliin ang Reload Netflix.
Subukan ulit ang Netflix.
I-restart ang device mo
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Ang susunod na gagawin
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.
Lahat ng iba pang device
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.