Netflix Error S7121-1331

Kung nakikita mo ang error code na S7121-1331 sa Mac computer mo, na kung minsan ay may kasamang ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Error sa Pag-stream
Hindi available para panoorin agad ang title na ito. Subukan ang ibang title.

Nangangahulugan ito na nasa Private Browsing mode ang Safari. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

I-off ang Private Browsing
  1. Sa menu bar, piliin ang Safari.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Sa General tab, sa ilalim ng Safari opens with:, piliin ang A new window.

  4. Isara ang Preferences window para i-save ang bago mong setting.

  5. Sa menu bar, piliin ang Safari.

  6. Piliin ang Quit Safari.

  7. Buksan ang Safari at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article