Sabi ng Netflix, 'Babala ng Limitasyon sa Pag-download'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Babala ng Limitasyon sa Pag-download
Dahil sa lisensya, isang beses na lang ito puwedeng i-download bago sumapit ang (DATE).

Ang ibig sabihin nito ay malapit mo nang maabot ang maximum na bilang ng mga pag-download para sa isang partikular na TV show o pelikula.

May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon bawat account. Puwede mong piliin ang I-download sa error screen para i-download ang TV show o pelikula, pero hindi mo na ulit mada-download ang title na iyon hanggang sa petsang nakalagay sa error message. Kung gusto mo nang panoorin ang TV show o pelikula, kakailanganin mong kumonnect sa internet at i-stream ito. Puwede ka na lang ding pumili ng ibang TV show o pelikulang ida-download.

Mga Kaugnay na Article