Netflix Error SSCR-S4010-2203-15-G

Kung nakikita mo ang error code na SSCR-S4010-2203-15-G sa Android phone o tablet mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Hindi nakagawa ng session sa piniling device.
SSCR-S4010-2203-15-G

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problemang pumipigil sa Android device mo na makipag-ugnayan sa Chromecast mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-off ang Chromecast mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-off ang Android phone o tablet mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-restart ang home network mo

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:
Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

I-reset ang settings sa Chromecast mo

  1. Pindutin ang button sa Chromecast nang 25 segundo, o hanggang sa mag-flash ang indicator light.

    Paalala:
    Kapag ni-reset mo ang Chromecast mo, mabubura ang kahit anong setting na dating na-save sa device. Sundin ang steps ng Google para i-reconfigure ang Chromecast mo.
  2. Kapag na-reset mo na ang device, i-reconnect ito sa Netflix account mo.

Ang susunod na gagawin

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article