Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya (30104).'

Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (30104)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-restart ang iPhone o iPad mo

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article