Paano gumamit ng Netflix sa Tesla display mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang tungkol sa Netflix sa Tesla touch-screen display mo, at kung paano i-set up ang account mo at mag-sign out dito.

  • Available ang Netflix sa dashboard touch-screen display kapag naka-park ang sasakyan.

  • Available ang Netflix sa buong mundo maliban sa Hong Kong at sa mga lugar kung saan hindi available ang serbisyo.

Para maka-connect sa Netflix account mo, pumunta sa seksyong Entertainment ng dashboard mo at sundin ang steps sa ibaba.

  1. Piliin ang Netflix.

  2. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong. > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

Paalala:Hanggang 720p lang ang resolution ng streaming. Sa mga Tesla touch-screen display na may vertical orientation, lalabas ang Netflix player nang pa-horizontal at may mga itim na bar sa itaas at ibaba ng player.

Mga Kaugnay na Article