Netflix Error ui-800-3 (100061)

Posibleng makita mo ang error code UI-800-3 (100061), kasama ng message na:

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] (na) segundo.

Ibig sabihin ng error na ito na may problema sa data na naka-store sa device mo na pumigil sa pagsimula ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Piliin ang Iba pang Detalye sa screen ng error.

  2. Piliin ang I-reload ang Netflix.

  3. Kapag nag-reload na ang app, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Mga Kaugnay na Article