Para i-reset ang password mo gamit ang email:
I-tap ang I-recover ang Password sa Netflix app.
Piliin ang option na i-reset ang password mo gamit ang Email.
Ilagay ang email address mo at piliin ang I-email Ako.
Sundin ang steps sa email na natanggap mo. Karaniwang dumarating ang email sa loob ng ilang minuto, at mayroon itong link na automatic na magsa-sign in sa iyo sa Netflix. Kapag nakapag-sign in ka na, magpapagawa sa iyo ng bagong password.
Paalala:Kung pipiliin mo ang Mag-sign out sa lahat ng device habang nagre-reset ka, posibleng umabot nang hanggang 8 oras bago tuluyang ma-disconnect ang lahat ng device na naka-sign in sa account mo.
Nag-expire na ang link
Hindi nakatanggap ng email
Tingnan ang iba pang folder (spam, junk, promotions) at ang kahit anong filter sa email na na-set up mo.
Kung hindi mo makita ang password reset email pagkatapos tingnan ang spam folder mo, subukang idagdag ang info@account.netflix.com sa listahan ng contacts mo. Pagkatapos, ipadala ulit sa sarili mo ang email.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang email, baka may delay sa email provider mo. Maghintay nang 5 oras, pagkatapos ay tingnan ulit ang inbox mo.
Hindi gumagana ang link
I-delete ang kahit anong password reset email ng Netflix na posibleng ipinadala mo sa sarili mo.
Kapag na-delete mo na ang mga email, i-tap ang I-recover ang Password sa Netflix app.
Piliin ang option na i-reset ang password mo gamit ang Email.
Ilagay ang email address mo at piliin ang I-email Ako.
Bumalik sa email mo at sundin ang steps sa bagong password reset email ng Netflix.
Kung nagkakaproblema ka pa rin, gumamit ng ibang computer, mobile phone, o tablet para i-access ang email, pagkatapos ay i-click ang password reset link.