Paano gamitin ang 'Mga Smart Download'

Para automatic na mag-download ng mga TV show at pelikula sa device mo, gamitin ang Mga Smart Download.

May dalawang paraan ang Mga Smart Download para automatic kang maka-download ng mga title: I-download ang Susunod na Episode at Mga Download para sa Iyo.

Hindi available ang feature na ito sa plan ng Netflix na may ads.

I-download ang Susunod na Episode

Para automatic na ma-download ang susunod na episode ng TV series, gamitin ang I-download ang Susunod na Episode. Kapag tapos ka nang panoorin ang na-download na episode, ide-delete namin ito sa iPhone o iPad mo at automatic na mada-download ang susunod na episode sa series.

Hindi gagamit ang I-download ang Susunod na Episode ng higit pang storage kaysa sa ginamit na ng mga na-download mo.

Para i-on o i-off ang I-download ang Susunod na Episode:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .

  4. I-tap ang Settings ng App .

  5. Sa Mga Download, i-tap ang Mga Smart Download .

  6. I-toggle ang switch sa tabi ng I-download ang Susunod na Episode para i-on o i-off ang setting.

Kung hindi ma-download ang susunod na episode, subukan ang steps na ito:

  • Siguraduhing naka-on ang I-download ang Susunod na Episode.

  • I-connect ang device mo sa Wi-Fi network.

  • Tingnan kung may higit pang episode na mada-download ang series.

Mga Download Para sa Iyo

Para siguradong lagi kang may mapapanood offline, gamitin ang Mga Downloads para sa Iyo. Automatic na nagda-download ang Mga Download Para sa Iyo ng mga TV show at pelikula na sa tingin namin ay magugustuhan mo sa iPhone o iPad mo.

Para i-on o i-off ang Mga Download para sa Iyo:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .

  4. I-tap ang Settings ng App .

  5. Sa Mga Download, i-tap ang Mga Smart Download .

  6. I-toggle ang switch sa tabi ng Mga Download para sa Iyo para i-on o i-off ang setting.

  7. Kapag naka-on ang Mga Download para sa Iyo, gamitin ang mga button na o para i-adjust ang storage (GB) amount na ida-download para sa bawat profile.

Kung hindi automatic na nada-download ang mga TV show at pelikula, subukan ang steps na ito:

  • Siguraduhing naka-on ang I-download ang Susunod na Episode.

  • I-connect ang device mo sa Wi-Fi network.

  • Tingnan ang available na storage ng iPhone o iPad mo at magbakante ng space kung kailangan.

Mga Kaugnay na Article