Paano gumamit ng mga subtitle, mga caption, pumili ng wika ng audio

Mapapalitan mo ang mga subtitle, caption, at wika ng audio para sa maraming TV show at pelikula. Kapag pumipili ng wika para i-stream ang title sa supported na device, makikita mo ang lahat ng available na wika para sa title na iyon. Para sa mga download, ipinapakita ng Netflix ang 2 pinakanaaangkop na wika.

Para gumamit ng mga subtitle, caption, o pumili ng wika ng audio:

  1. Buksan ang Netflix.

  2. Pumili ng TV show o pelikula.

  3. Magsimulang mag-play at mag-tap sa screen.

  4. Sa itaas o ibaba ng screen, piliin ang Audio at Mga Subtitle .

  5. Palitan ang mga napiling audio o subtitle mo.

    Tandaan:Hindi nase-save ang mga gusto sa subtitle at audio kapag karamihan sa mga Pambatang title ang pinapanood mula sa pangmatandang profile. Nase-save ang mga ito kapag mula sa Pambatang profile nanonood.


Para sa mga title na may Subtitles para sa mga Bingi at Hirap sa Pandinig (SDH), tingnan kung may SDH badge sa page ng mga detalye ng title.

Tandaan: May ilang TV show na baka walang SDH para sa lahat ng season o episode.

Mga Kaugnay na Article