Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi available ang Netflix sa rehiyon mo'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi available ang Netflix sa rehiyon mo.
Gusto mo bang makatanggap ng email kapag may Netflix na?

Ibig sabihin nito, hindi magagamit sa pag-sign up para sa Netflix account sa rehiyon mo ang device na ginagamit mo. Baka kasi mas lumang device na ito at hindi na supported.

Sundin ang steps sa ibaba para manood ng Netflix sa device mo.

Gusto kong mag-sign in sa isang kasalukuyang Netflix account

Kung may active na Netflix account ka, piliin ang Mag-sign In at sundin ang onscreen instructions. Kapag naka-sign in ka na, makakapanood ka na ng mga TV show at pelikula sa device mo.

Gusto kong mag-sign up para sa isang bagong Netflix account

Kailangan mong mag-sign up para sa Netflix sa ibang device o magpunta sa netflix.com. Kapag active na ang account mo, puwede ka nang mag-sign in sa device na ito at manood ng mga TV show at pelikula.

Mga Kaugnay na Article