Netflix Error ui-800-3 (307007)

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] (na) segundo.
Code: ui-800-3 (307007)

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Gamit ang steps na ito, maaayos ang error na ito sa mga smart TV at device na naka-connect sa TV, kasama ang: mga streaming stick at media player, mga set-top o cable box, at mga Xbox o PlayStation game console.

I-restart ang device mo
  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Dapat SHIELD Experience version 8.0.1 o mas bago ang ginagamit ng NVIDIA SHIELD para makapag-stream ng mga pelikula at TV show mula sa Netflix. Para i-update ang SHIELD Experience:

  1. Mula sa home screen ng device, piliin ang Settings icon.

  2. Piliin ang Device Preferences.

  3. Piliin ang About.

  4. Piliin ang System upgrade.

  5. Piliin ang Check for upgrade at pagkatapos ay i-confirm ang Check for upgrade.

Kung hindi mo nakikita ang option na mag-update sa SHIELD Experience 8.0.1 o mas bago O kung kailangan mo ng tulong sa pag-update sa device mo, makipag-ugnayan sa NVIDIA para sa dagdag na tulong.

Kung SHIELD Experience 8.0.1 o mas bago ang ginagamit ng NVIDIA SHIELD mo at nakikita mo pa rin ang problemang ito, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article