Paano panonoorin ang credits sa dulo ng TV show o pelikula

Panoorin ang credits ng isang indibidwal na episode

Kapag nanonood ng TV show na may iba't ibang episode, puwede mong piliin ang option na Panoorin ang Credits sa dulo ng isang episode.

Panoorin ang credits ng isang pelikula o credits para sa huling TV episode

Kapag natapos ka na sa panonood ng isang pelikula o huling episode ng isang TV show, mini-minimize namin ang credits sa mas maliit na window at nagmumungkahi kami ng susunod na papanoorin. Para mapanood nang full screen ang credits, i-click ang window ng credits.

Paalala:
Kung pumili ka ng option maliban sa Panoorin ang Credits, hindi na magiging available ang option na panoorin ang credits. Para mapanood ang credits, kailangan mong buksan muli ang TV show o pelikula at mag-scroll sa dulo.

Mga Kaugnay na Article