Paano i-lock ang screen habang nanonood ng Netflix

May setting ng lock sa mga Android device, iPhone, at iPad. Para i-lock ang screen habang nanonood ng Netflix sa mobile device mo:

  1. Mag-tap sa TV show o pelikula habang nagpe-play ito.

  2. I-tap ang lock icon para i-lock o i-unlock ang screen mo.

    • Kapag ia-unlock mo ang screen mo, i-tap ang button na I-unlock ang Screen? kapag na-prompt.

Mga Kaugnay na Article