Bakit itinatanong ng Netflix kung, 'Nanonood ka pa ba?’

Itinatanong ng Netflix kung, "Nanonood ka pa ba ...?" para hindi ka mawala sa pinapanood mo o magamit ang internet data kapag hindi ka naman talaga nanonood ng TV show o pelikula.

  • Mga TV at TV streaming device: Makikita ang prompt pagkatapos ng 3 episode at 90 minuto ng tuloy-tuloy na panonood.

  • Iba pang device: Makikita ang prompt pagkatapos manood ng 3 episode ng isang TV show nang magkakasunod nang hindi gumagamit ng anumang video player control.

Para patuloy na manood, puwede mong i-dismiss ang message o i-off ang autoplay ng susunod na episode.

Mga Kaugnay na Article