Netflix Error 3-0

Pasensya na, nagkaproblema.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error message na ito ay kailangang i-refresh ang device mo, o kailangang i-update ang Netflix app.

Para ayusin ang problema:

I-restart ang device mo

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-update ang Netflix app

  1. Buksan ang App Store app.

  2. Sa itaas ng screen, piliin ang Binili.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. Kapag may available na update, piliin ang I-update. Kung walang available na update, pumunta sa susunod na steps.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article