Netflix Error NSEZ-403

Kung may makikita kang error na nagsasabing

Nagkaproblema
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo. Marami kang makikitang pwedeng panoorin sa home page.

Karaniwan itong nangangahulugang may impormasyong naka-store sa browser mo na kailangang i-refresh, o may isyu sa pag-connect sa network. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

Mag-sign in sa ibang device

Para matukoy ang isyu mo, mag-sign in sa Netflix sa ibang device na gumagamit ng parehong network kung nasaan ang computer mo.

Tandaan:Kung naka-sign in ka na sa ibang device, mag-sign out muna sa Netflix, pagkatapos ay mag-sign in ulit.

  • Kung may nakita kang error kapag nag-sign in ka o sinubukan mong manood sa device na iyon, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa serbisyo ng Netflix sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.

  • Kung wala kang nakitang error pero hindi ka makapanood sa device na iyon, makipag-ugnayan sa customer service.

Pumunta sa Netflix.com sa web browser
  1. Gamit ang ibang computer o mobile device, kumonnect sa Wi-Fi o network kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser, pagkatapos ay pumunta sa netflix.com/clearcookies at mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung nakikita mo ang error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa serbisyo ng Netflix sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.

    • Kung wala kang makikitang error sa browser mo habang ginagawa ang step na ito, posibleng may ibang problema. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article