Netflix Error S7702-1003

Kung nakatanggap ka ng error code na S7702-1003 sa device mo, na madalas na may ganitong message:

Pasensya na sa abala
Nagkakaproblema kaming paganahin ang Netflix. Pakitiyak na wala sa Private mode ang browser mo at subukan ulit.

Nangangahulugan ito na nasa Private Browsing mode ang Safari. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

iPad

I-off ang Private Browsing
  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang New Page button.

  2. I-tap ang Private, pagkatapos ay i-tap ang Done.

  3. Magbukas ng bagong page at subukan ulit ang Netflix.

Mac computer

I-off ang Private Browsing
  1. Sa menu bar, piliin ang Safari.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Sa General tab, sa ilalim ng Safari opens with:, piliin ang A new window.

  4. Isara ang Preferences window para i-save ang bago mong setting.

  5. Sa menu bar, piliin ang Safari.

  6. Piliin ang Quit Safari.

  7. Buksan ang Safari at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article