Sabi ng Netflix, 'Hindi Sapat ang Storage'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Hindi Sapat ang Storage
Mag-delete ng mga download para magka-space sa device na ito.

Ibig sabihin, walang sapat na space sa storage ng device mo para i-download ang TV show o pelikula. Sundin ang steps sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Alisin ang mga na-download sa device mo

Para mag-alis ng isang na-download:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. I-tap ang Mga Download , at i-tap ang isang TV show o pelikula.

  4. Sa tabi ng episode o pelikula na may problema, i-tap ang icon ng status ng download .

  5. I-tap ang I-delete ang mga Download .

Para alisin ang lahat ng na-download:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .

  4. I-tap ang Settings ng App .

  5. I-tap ang I-delete ang Lahat ng Download , at i-tap ang OK.

Mag-alis ng iba pang naka-store na content sa device mo

Kung wala kang kahit anong na-download na title, o kung hindi nakatulong ang pag-aalis ng mga na-download na title, kakailanganin mong magbakante ng space sa device mo. Para sa instructions, pumunta sa Help Center ng Google o makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Mga Kaugnay na Article