Sabi ng Netflix, ' Nagkaroon ng error sa network'

Kung may nakikita kang error sa Sony TV mo na nagsasabing

Nagkaroon ng error sa network

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay hindi maka-connect ang TV mo sa Netflix dahil sa problema sa network. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Subukang gumamit ng ibang app na kumo-connect sa internet para i-test ang connection ng device mo. May available na network test sa mga setting sa ilang device.

Kung hindi gagana ang ibang app o may matatanggap kang error sa network, karaniwan itong nangangahulugan na hindi naka-connect ang device mo.

Paalala:Dahil madalas na magkakaiba ang steps para kumonnect sa internet o mag-troubleshoot ng isyu sa network depende sa device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.

Para makuha ang steps sa pag-connect para sa device mo:

  • Tingnan ang instructions o manual na kasama ng device mo.

  • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa tulong sa pag-connect ng device mo sa internet.

Kung naka-connect ang device mo at nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, pumunta sa susunod na steps.

  1. I-off o bunutin sa saksakan ang smart TV mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang smart TV at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article