Hindi binabasa ng Apple VoiceOver ang mga subtitle

Kung hindi binabasa ng screen reader ng Apple VoiceOver ang mga subtitle kapag nagne-Netflix ka, sundin ang steps sa ibaba.

I-on ang Media Descriptions

  1. Sa Home screen, i-tap ang Settings.

  2. I-tap ang Accessibility.

  3. I-tap ang VoiceOver > Verbosity > Media Descriptions.

  4. I-tap ang Speech para i-on ito.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Baka hindi available sa lahat ng iPhone, iPad, o iPod touch device ang setting na ito. Kung hindi mo ito nakikita, makipag-ugnayan sa Apple support.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article