Napakahina ng mga boses, pero OK ang mga tunog sa background

Kapag hindi gaanong malakas ang mga boses sa TV show o pelikula pero parang normal naman ang mga ingay at music sa background, sundin ang steps sa ibaba.

Apple TV 4 o Apple TV 4K

Baguhin ang audio settings mo
  1. Pumunta sa menu ng settings ng Apple TV, at piliin ang Video at Audio.

  2. Mag-scroll pababa sa Audio, at piliin ang Audio Format.

  3. Piliin ang Change Format.

  4. Piliin ang New Format, at piliin ang Dolby Digital 5.1.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi maayos ang problema, pumunta sa menu na Change Format ulit, piliin ang Stereo, at subukan ulit ang Netflix.

Lahat ng iba pang device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article