Netflix Error M7399-1260-00000025

Kung nakukuha mo ang error code na M7399-1260-00000025, na madalas na katabi ng message na ito:

Pasensya na sa abala
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang cookie data sa computer mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

I-clear ang cookies at site data ng netflix.com
  1. I-type o kopyahin at i-paste ang chrome://settings/content/all?searchSubpage=netflix.com sa address bar ng browser mo, pagkatapos ay pindutin ang Enter o Return.

  2. I-click ang Clear displayed data, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

O:

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang More.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa menu sa kaliwa, i-click ang Privacy and security.

  4. I-click ang Cookies and other site data.

  5. I-click ang See all site data and permissions.

  6. Sa list, hanapin ang netflix.com, pagkatapos ay i-click ang Remove.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article