Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa download na ito.'

Kung makatanggap ka ng error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Nagkaproblema sa download na ito.

Madalas na ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang Netflix app sa device mo.

I-update ang Netflix app
  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article