Netflix Error D7703-1003

Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay kailangang i-refresh ang information na naka-store sa browser mo, o kailangan ng system update ng computer mo para makapag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

Mga Kaugnay na Article