Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, nagkaproblema. Hindi ma-play ang title.'
Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing
Pasensya na, nagkaproblema.
Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang Netflix app mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema. Kung may nakukuha kang error code na may ganitong message, i-search na lang sa aming Help Center ang error code na iyon.
Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.
I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".
Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.
Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.