Sabi ng Netflix, 'Magre-restart na ang app na ito para magbakante pa ng memory'

Kung may nakikita kang error sa LG Smart TV mo na nagsasabing

Magre-restart na ang app na ito para magbakante pa ng memory.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data na naka-store sa device. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

I-restart ang device mo
  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article